Sabado, Agosto 13, 2011

partikular na experyensya sa buhay ko

ANG KAHIRAPAN
Sa murang edad ko pa lamang na labingdalawang taong gulang sa antas ng ika 6 na baitang (grade-6) ako ay natuto nang maghanap ng trabaho para makatulong sa pamilya at lalo na sa aking sarili..., ang maging isang secretaryo ng aking guro na aking tiyahin ay aking pinasok sa isang paaralan ng elementarya sa lungsod ng Pili, duon ko naranasan ang hirap kung paano mgtrabaho, kung paano makakakuha ng pera na magagamit ko sa aking pang araw araw at sa aking mga pangangailangan sa paaralan  at kung  gaano kahirap ang maitatag ang sarili sa kahirapan. Nang makapagtapos ako ng elementarya ay akin ring sinubokan muling makapagtatrabaho bilang isang “canvasser” ng manlalaminate ng letrato at pagiging delivery boy sa parehong trabaho para muling makakuha ng pera upang  mkapagaral muli..., at ng ako’y muling mkpag-aral, ako’y nag-exam sa pagiging iskolar ng pili at nang mabiyayaa’y , ako’y naging isa sa mga iskolar na nka pasa...iyan ang dahilan kaya naging malakas ang aking loob sa pag aaral hanggang sa ako’y makapagtapos ng sekondarya sa taon 2008-09...dahil sa aming kahirapan mula noo’y tumigil muna ako sa pagaaral upang makatulong sa aking nakatatandang kapatid at sa kahirapan ng aming pamilya, mas inuna ko munang itigil ang aking pagaaral upang makapagtapos ang aking kapatid sa isang pribadong paaralan ng Philippine Computer Foundation College (PCFC). At ng ako’y mapagod sa pagtatrabaho akoy muling sumubok ng pag-aaral, at ng dahil na rin sa kasabikan ko sa pag-aaral ako’y boluntaryong nag-aral sa parehong paaralan na muli’y isang iskolar bilang Computer Technician sa ilalim ng Pangulong Gloria Scholar (PGS)” 3-months training” sa taong 2009-10,hanggang sa kamiy makapag tapos ng pag-aaral...at mula rin noo’y mas lalo pang tumibay at lumakas ang aking luob sa pag-aaral kaya’t aki’y muling sinimulan  ang pag aaral sa kolehiyo at muli’y naging iskolar muli ng LGU PILI, na nag ngangala’y PILI MUNICIPAL SCHOLARSHIP GRANT’S (PMSG) na hanggang sa ngayo’y nag-aaral, nagsisiskap upang matamo ang tagumpauy...









“Ang kahirapan ay hindi sagabal sa taong nagsisikap na matamo ang kanyang mga pangarap”.
At sa bawat pagsubok na tayo’y madapa andyan ang dios na siyang tutulong sa atin upang muli tayong makabangon.
 Ngunit sa aking palagay nitong aking mga pagsubok na nararanasan ay aking masasabing ako’y nagsisimula pa lamang sa mga landas na aking tatahakin.

7 komento:

  1. yes datz true!hmmp hindi sagabal ang kahirapan kung tayo'y magsisikap lang.....

    hindi natin kasalanang ipanganak nang mahirap, kasalanan natin kung mamatay tayong mahirap kung hindi tayo magsisikap.

    TumugonBurahin
  2. hahaha...kulang pa yan..kulang pa ning sarong pix...

    TumugonBurahin
  3. nice ka tlaga nads!!! Idol!!

    tma nga naman tlaga!! hind hadlang ang kahirapan para tayo'y magtagumpay sa buhay..basta't tayo'y may sipag at tiyaga, matutupad natin ang ating mga pangarap o gusto sa buhay at tayoy magtatagumpay...

    TumugonBurahin
  4. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  5. and with the grace of
    almighty god we were succeed!!!!!

    TumugonBurahin
  6. TNX SA NAGCOMMENT.
    GOD Bless us.
    wag kayong mgalala...kahit anong hirap mn ang inyong maharap, andyan c GOD na handang umalalay sa atin.

    TumugonBurahin
  7. dae ko na pati nailaag c pix ko kng pgklase ko sa PCFC...PGS skolar's

    TumugonBurahin